The Central Post

๐“๐ซ๐š๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ ๐‹๐š๐ค๐š๐ฌ: ๐‘๐จ๐๐ž๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐š๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

Muling isinabuhay ng mga manggagawa at mag-aaral ng Central Mindanao University ang isa sa mga pinakamalaking tradisyon nitoโ€”ang Rodeo sa Musuan, na matagumpay na ginanap noong ika-14 at 15 ng Setyembre 2024 sa Catching Corral Beef Cattle Project, bilang pang huling ganap sa ika-114th Founding Anniversary ng unibersidad.

Ang nasabing okasyon ay pinangunahan ng CMU-Society for the Advancement of Animal Science (CMU-SAAS) at ng Department of Animal Science mula sa College of Agriculture ng nasabing institusyon.ย 

Ang Rodeo na ito ay nilahukan ng mga grupo mula sa ibaโ€™t ibang organisasyon sa loob ng CMU, kabilang na rito ang PEWEE mula sa CMU-SAAS, CMU-Ranchers Club, CMU-Organization of Animal Science Major Students (CMU-ORGASMS), Philippine Association of Aggies-CMU Chapter (PAAs-CMU Chapter), at CMU-Dare on Doing Good Example (DODGE). Nakilahok din ang ilang organisasyon mula sa University of Science and Technology of Southern Philippines-Claveria (USTP-Claveria), Xavier University (XU), University of Southern Mindanao (USM), at Mountain View College (MVC).

Mula sa nakakapanindig-balahibong 4-man play carambola hanggang sa mabilisang 1-man throwing down at lassoing tying, nagpakitang-gilas ang mga kalahokโ€”mapa-lalaki man o babae. Nagpamalas din sila ng galing sa mga larong team casting, 2-man play carambola, 1-woman lassoing, at tying to the nearest post. Ipinakita ng mga manlalaro ang kanilang angking lakas at galing sa gitna ng basa at maputik na lupa, habang hinaharap ang mga mababangis na baka.

Isang napakalaking hamon ang hinarap ng bawat manlalaro sapagkat, bukod sa napakaputik na lupa at maulan na panahon, napakahirap hulihin ng mga baka dahil ito ay nasa kondisyon. Kailangan ding sundin ng mga kalahok ang tamang proseso ng pagtali ng mga baka upang hindi sila ma-disqualify.

Sa unang gabi ng selebrasyon, ginanap ang Miss Rodeo 2024 kung saan ang bawat pangkat ay may kani-kaniyang pambato upang sungkitin ang korona.

Ang Rodeo sa Musuan ay nagsisilbing simbolo ng pagpapahalaga sa mga nakasanayang tradisyon ng unibersidad. Ipinapakita nito na ang diwa ng mga nakaraang tradisyon ay nananatiling buhay, na patuloy na nagdudulot ng pagkakaisa. Bawat taon, ang rodeo ay nagdadala ng bagong kwento, bagong tagumpay, at bagong inspirasyon para sa mga susunod na selebrasyon. Hanggang sa susunod na mga taon, muling magbabalik ang rodeo, na nag-uumapaw ng kasiyahan at tradisyon para sa lahat.

Isinulat ni Anne Thereze Ligaya

Litratista: Elizabeth Baricuatro

Share Posts