Pananabik na may halong kaba. Tila kailan lang ay iniisip pa natin ang magiging takbo ng ilang buwang pamamalagi sa paaralan. Kay bilis ng panahon, ngayon ay nasa dulo na tayoโpagod ngunit lumalaban. Sa kabila ng pinagdaanan ng bawat-isa, marapat lamang na madama ang pansamantalang kaginhawaan at kasiyahanโat ito ang handog ng Central Mindanao University Office of Student Affairs, isang maligayang pagtatapos para sa lahat ng CMUan.
Kasabay sa pagtatapos ng unang semestre, ang pagbubukas ng Pasko sa CMU 2022 sa temang โMasigla, Masaya at Masagana.โ
Nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Dr. Jesus Antonio G. Derije- University President, sa pagbubukas sa nasabing aktibidad. Sinundan naman ng Office of the Student Affairs Director, Dr. Cherly C. Cordova ang pagbibigay ng mga mekaniks sa bawat patimpalak na gaganapin sa tatlong araw ng selebrasyon.ย
Talaga nga namang hindi maikakaila na sa kabila ng lahat ng pagod na nadarama, kakikitaan pa rin ng ngiti sa mga labi ang bawat-isa. Kaya sa ngayon, inaasahan ang partisipasyon ng bawat CMUan bago magsiuwi sa kani-kanilang mga probinsya at tahanan.
Manlalathala: Rizza Mae Dagoc
Litratista: Lla Reighn Aribal