The Central Post

๐๐€๐‡๐ˆ๐๐†๐€

Ni carlita

Narito ako, hindi na makapaghintay.

Ikatlong hilera, gilid ng bintanaโ€”binibilang nagtataasang mga puno na nadaraanan sa kalsada. Tatlong buwan na rin pala mula nang huli kong pagsampa rito sa sasakyang naghatid sa akin sa pinapangarap kong unibersidad. Parang kahapon lamangโ€”sariwa pa ang magkahalong saya at kaba na aking nadama habang binabaybay ang daang ngayon ay pabaliktad na. Tatlong taon ko rin hinangad itoโ€”mag-aral sa pamantasang mahigit tatlong daang milya ang layo mula sa aking pamilya, patunayan na kaya kong tumayo sa sariling mga paa.ย 

Ma-proud pa kaya sina mama ug papa kung ani na akoang itsura?

Napangiti na lamang ako nang mapakla habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa bintana. Ganito pala ang resulta kapag walang mga maiingay na batang binabantayan, walang matabil na bungangang nagiging orasanโ€”ganito pala maging malaya at walang nakikialam. Nakakapayat.

Ilang sandali pa, isang pamilyar na binata ang tumabi sa aking kinauupuan. Nagulat siya nang magtama ang aming paningin at pasimpleng isinukbit sa leeg ang kanina’y suot na headphones.

โ€œHi! You still remember me? Ako diay kadtong nakasabay mo three months ago in this exact seat and bus. I’m Luke, by the way. Ikaw?โ€ magiliw niyang ani at inilahad ang kanang kamay. Ngunit imbes na tanggapin ito ay nginitian ko lamang siya at ibinalik ang atensyon sa daang pinapalitan na ang kabundukan ng nagtataasang mga gusali. Sa gilid ng aking mga mata, nahagip ko pa ang pagkamot niya.

Unti-unti nang nagbagsakan ang ulan, at bawat butil nito ay dinadala ako sa isang pamilyar na senaryong nag-unahan din sa pagbagsak ang mga luha ko. Tatlong araw bago ang kasalukuyan, alas-tres ng madaling araw; habang walang tigil sa pagbuhos ang ulan ay habol din ang aking hininga sa paggawa ng mga papeles na kailangang ipasa, at pagrerebyu sa tatlong araling magkakaroon ng laboratoryo at eksaminasyon kinabukasan. Tatlong tasang kape na rin ang dumadaloy sa aking sistema ngunit hirap pa rin akong mapanatiling dilat ang mga mata. Wala na akong maintindihanโ€”halo-halo na ang aking binabasa at kung saan-saan na tinatangay ang aking isipan. Tatlong linggo na ring ganoon ang aking nakagawianโ€”tatlong tasang kape at tatlong minutong pag-idlip bago pumasok sa eskwelahan. Kung minsan ay sumasagi sa akin ang sumuko na, ngunit sa tuwing nakikita ko ang litrato ng aking pamilya, nabubuhay ang aking dugo kahit sa loob-loob ko’y patay na. Kailangan ko pa silang makita.

Kailangan ko pang matunghayan muli ang pag-amo ng aking mga kapatid tuwing pinapagalitan ko sila; kailangan ko pang matikmang muli ang mga luto ni papa dahil tatlong buwan na rin akong instant noodles at de-lata. Higit sa lahat, kailangan ko pang maramdamang muli ang paghagud sa aking likuran at mainit na yapos ni mama dahil ilang buwan din akong lumuluhang mag-isa sa malamig na klima. Kailangan ko pang masilayang muli ang kanilang mga ngiti na nagpapaalalang kailangan ko rin ng pahinga.

Tatlong oras na lang.ย 

โ€œGrabe, nuh? It’s been months. Remembered our last encounter, ingon ka, first time mo malayo sa pamilya. I was amazed at you that time. And now, I am proud that you survived. You deserve this long weekend and Acad Break.โ€

Napatingin ako sa aking katabi nang marinig iyon. Kanina pa pala niya ako pinagmamasdan at mahihinuha sa kaniyang mga mata ang sinseridad. Ginawaran ko siya ng matamis na ngiti na ibinalik naman niya.

โ€œThree minutes na lang, bus stop ko na. Can I get your name now?โ€

Marahan akong napangiti at iniabot ang ID ko. Tinanggap niya ito at sumilay naman ang bahagyang pagkurba ng kaniyang labi habang tumitipa sa hawak na cellphone. โ€œSweet,โ€ aniya pa.

Ilang sandali pa ay nabitawan niya ito, at nang muli ko siyang tingnan, tila naumid siya at hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman. Pinulot ko ang nahulog niyang cellphone ngunit sinilip muna ito bago ibinalik sa kaniya. In-stalk niya pala ang Facebook profile ko at bumulaga sa kaniya ang mga katagang: โ€œRemembering Therese Ducinco. We hope people who love Therese will find comfort in visiting her profile to remember and celebrate her life.โ€

Muling nagtama ang aming mga mata, at ngumiti ako sa kaniya habang nangingilid ang mga luha.

Narito ako, hindi na nahintay ang long weekend at Academic Break. Ngunit uuwi’t hahabol pa sa hilera ng puting kandila at kampana, tatlong araw mula ngayon.ย 

Matapos ang tatlong buwang pakikidigma, sa wakas, ako’y makakapagpahinga na.

Share Posts